Monday, March 20, 2006

Story of the day: Ang Catheter.

[Inaalay ko ang istoryang ito sa milyon-milyong mga lalaki sa mundo, mahirap man o mayaman, na dumaan sa hirap at kahihiyan dulot ng isa sa pinaka-malupit na instrumento sa larangan ng medicina, ang urinary catheter.]

****
Na-ospital ako noon, kidney operation (opo, isa na lang po ang kidney ko, binigay ko sa Daddy+ ko ang isa). Pagkatapos kong magkamalay, ang una kong napansin, bukod sa malaki kong tahi(9 inches) sa tagiliran, ay isang manipis na tubo na naka-pasok kay junior.

Tuny: "Syetttt!! saan galing ito???(AT ang mas importante, sino at paano niya naikabit ito???)

Hindi ko alam kung sino nagkabit (Chicks na doctor kaya? Dyahe, punong puno pa naman ako nun ng anesthesia) at hindi ko na rin inalam kung paano ito naikakabit (at ayaw ko na rin isipin kung paano). Iniisip ko na lang na isa itong misteryong katulad ng alien abduction (Sigurado ako pag mahaba-haba ang operasyon mo at pinatulog ka, pag gising mo meron nang nakatusok sayong straw sa ayaw mo man o gusto-- enter twilight zone theme).

Ang sasagutin ko na lang ay kung saan ito nanggaling.

Ang catheter(or in this case, ang urinary catheter) ay ginagamit sa mga pasyente na walang kakayahan na bumangon at pumunta sa palikuran upang mag-dyingle/jingle. Sa Wikipedia, it is defined as "a tube that can be inserted into a body cavity duct or vessel, allowing drainage or injection of fluids or access by surgical instruments."

Ayon din sa Wikipedia, ito ay isang sinaunang imbensyon, kasing tanda ng mga Pyramids of Giza. "The ancient Egyptians are reported to have fashioned catheters from papyrus, and the ancient Greeks from reeds." [Mga hayop! Mga aso! Mga pusa! Mga manok! Sadista kayo!]. Pasalamat na lang tayo kay B. Franklin, ang sikat na amerikanong imbentor na naka-gawa din ng lightning rod, odometer at daylight saving time, dahil siya rin ang naka-isip ng flexible urinary catheter (Nainspire kaya siya after gawin ang lighting rod?

Anyway, mabalik sa istorya ko, okay din naman ang Catheter. Medyo maski nakaka-ngilo sa umpisa, it has its advantages. Sa tulad ko noon na hirap bumangon, pag naiihi ka, wiwi lang at diretso na ito sa isang urinal bag na-nakakabit sa ilalim ng kama. Pag nagbabasa ng libro at naiihi, wiwi lang. Pag kumakain at naiihi, wiwi lang. Pag may kausap sa telepono at naiihi, wiwi lang (wag lang kikiligin ang boses mo at mahahalata ka). Para kang hari ba (Kako nga e "Hey, I can get used to this!Hehe.").

Pero as in all things good, it must come to an end. Nung palabas na ako after two weeks, dumating si doc para tanggalin ang catheter(kundi hindi daw e uuwi ako na parang unggoy). Pinaupo niya ako gilid ng kama at pinalislis ang aking gown (help, rape! ;) ).


Doc: Okay iho, at the count of 3, inhale...

Tuny: Sure doc


Medyo kinakabahan ako. Aparently isasabay ni Doc ang paginhale ko sa paghila niya sa Catheter-- para siguro hindi ako makasigaw. Humawak na rin ako sa bakal na headrest, baka kasi ma-right hook ko sya e. Ang nanay ko naman ay nasa isang sulok, ngingiwi-ngiwi sa takot at tawa.


Tuny: Doc?

Doc: Yes?

Tuny: Kasabay po ba ng pagsabi mo ng "3", hihilahin nyo na, or pagkatapos mo sabihin ang "3", saka mo hihilahin?(Bale 1-4 na pala yun)


Natawa si Doc-- ano kayang nakakatawa dun???


Doc: Okay, pagsabi ko ng 3 saka ko hihilahin. Okay, ready?

Tuny: Ready po (Lunok, asan na ba yung butiki sa kisame na kahapon ko pa nakikita...)

Doc: 1.. 2..3, inha...



Bigla ba namang pumasok si Doctor/professor na kasama ang isang batalyon na nursing students. Kulang na lang ang sumigaw sila ng sabay-sabay "Surprise!". Napatingin kami ni Doc at mommy na nakanganga. Huli si doc ay nakayuko sa harap ko, hawak ang catheter na naka-kabit pa sa anu ko. Ang Mommy ko na ang tanging nasabi ay "Ano pu yun??".

"Ohmygod, sorry... sorry-sorry-po!!!" ang tanging nasabi ni doctor/professor, sabay atras at sarado ng pinto. Nakita ko pang ang lima-o-anim na mukha na humahabol ng tingin.


Doc: Sorry, ha. Okay, nasan na ba tayo? 1... 2....


^$#@!*&%

******

Also see Ella's experience in her blog "Oy, bawal magkasakit!".

No comments: